Recent Posts

Breaking News

US nasagad na sa China

CALIFORNIA – Napupuno na ang salop. Ganito maihahambing ang talumpati ni US Secretary of State Mike Pampeo sa Richard Nixon Presidential Library and Museum sa Yorba Linda sa California.

Hindi mapagkakatiwalaan at malaking banta sa seguridad ng mundo ang ikinikilos ng Communist China sa ibat-ibang panig ng mundo.

Ilan lamang dito ang paniniktik, pag-abuso sa ekonomiya, at banta sa kalayaan at demokrasya ng mga bansang binubully nito tulad ng Pilipinas.
Iginiit ni Pampeo sa kanyang talumpati na hindi pag-aari ng China ang South China Sea.

Magugunita na una ng sinabi ng America na handa silang depensahan ang mga islang iligal na inuukupa ng China kung hihilingin ito ng mga bansang may-ari nito.

2015 ng ipinangako ng noon ay Chinese General Secretary XI jingpi kay dating US President Barrack Obama na walang magaganap na militarisasyon sa South China pero hindi nito tinupad ang kanyang pangako ng maupo ito bilang pangulo ng China.

Noong nakaraang linggo pinasara ng US state Department ang tanggapan ng Konsulado ng China sa Houston sa Texas matapos na matunugan ng US inteligence ang paniniktik nito at pagnanakaw ng intellectual property sa Estados Unidos.

Ayon kay Pampeo, “ Whatever the reason, today China is increasingly authoritarian at home, and more aggressive in its hostility to freedom everywhere else. and President Trump said enough “
Kung hindi daw babaguhin ng China ang pag-uugali nito posible daw na lumalala ang tensyon sa pagitan ng mga bansang binubully nito.

“ Today the danger is clear.and Today the awakening is happening.. today free world must response” ani ni Pampeo.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/us-nasagad-na-sa-china/)

Walang komento