Recent Posts

Breaking News

Upakang Tyson vs Jones kasado

Kakasa na sa kanyang comeback fight si former heavyweight boxing champion Mike Tyson.

Ang makakasapakan niya ay ang alamat na rin na boxer na si Roy Jones Jr.

Ang bakbakan ng dalawang retired boxer ay gaganapin sa Setyembre 12 sa California sa loob ng 8-round para sa exhibition match nilang Frontline Battle.

Magugunitang nitong Abril ay ipinaramdam ni undisputed heavyweight champion Tyson ang interes nito sa pagbabalik-boksing kahit na nasa edad 54 na ito.

Si Tyson ay may 50-6 win-loss record habang ang makakatapat niyang 51-anyos na si Jones Jr. ay may 66-9 panalo-talo kartada.

Asahan namang magiging solido ang nasabing event dahil bukod sa magaganap na comeback bout ay magpapasiklab rin ang ilang artist gaya nina Snoop, Lil Wayne, Future, The Weeknd, Pitbull, Marshmello at iba pa.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/upakang-tyson-vs-jones-kasado6/)

Walang komento