Recent Posts

Breaking News

UP expert: Mga ospital handa kapag airborne ang COVID

Ayon sa eksperto ng University of the Philippines (UP), batid ng mga ospital sa bansa na posibleng maging airborne ang sakit na COVID-19 noon pa.

Paliwanag ni UP Institute of Molecular Biology and Biotechnology director Dr. Edsel Salvana, lahat ng procedure ng mga ospital ay nakabase sa tsansang posibleng napapasa ang new coronavirus sa hangin.

“Kahit dati naman po, sinasabi naman ng World Health Organization (WHO), lalo na sa mga hospital na kung saan gumagawa po kami ng procedures na puwede pong maging airborne ‘yung virus,” paliwanag ni Salvana sa ‘Unang Hirit’ ng GMA.

Ito’y umusbong matapos na 239 scientist mula sa 32 bansa ang nakakalap ng ebidensya na mayroong maliliit na particle ng SARS-CoV-2 sa hangin na posibleng mapasa sa mga tao.

“Pinagamit talaga ang mga healthcare workers noong mga tinatawag na N95,” ani pa ni Salvana.

“Wala naman talagang dispute kung may airborne o wala. Nagbabago po talaga ‘yung knowledge natin dahil nadadagdagan po sa mga pag-aaral,” sambit pa nito.

Ngunit sa ngayon ay nanatili pa ring main mode ng transmission ng COVID-19 ay mula sa respiratory droplet na nanggagaling sa pagsasalita, pagbahing o pag-ubo, ayon kay Salvana.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/up-expert-mga-ospital-handa-kapag-airborne-ang-covid/)

Walang komento