Recent Posts

Breaking News

UN kay Duterte: ‘Wag lagdaan anti-terror bill

Umapela kay Pangulong Rodrigo Duterte si United Nations (UN) High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet na huwag lagdaan para maging batas ang kontrobersiyal na anti-terrorism bill .

Ayon kay Bachelet, ang pagpasa ng naturang bill ay magpapaigting lamang ng usapin sa pagitan ng kritisismo, kriminalidad at terorismo.

Ginawa ni Bachelet ang apela kay Duterte sa ginanap na ika-44 regular session ng UN Human Rights Council kung saan inihahanda rin ng kanyang tanggapan ang report sa umano’y paglabag sa karapatang pantao at pagpatay sa Pilipinas.

Sinabi ni Bachelet na may “chilling effect on human rights” ang nabanggit na anti terrorism bill.

“So I would urge the President to refrain from signing the law and to initiate the broad-based consultation process to draft legislation that can effectively prevent and counter violent extremism, but which contains some safeguards to prevent this misuse against people engaged in peaceful criticism and advocacy,” ayon kay Bachelet.

Nakahanda rin ang kanyang tanggapan na tumulong kung ire-review ang nabanggit na kontribersiyan na bill.

Nabatid na ang anti-terror bill ay binuo para amiyendahan at i repeal ang Human Security Act of 2007 (HSA) at maparusahan ang lahat nang magoorganisa , mag aaklas ,makikipagsabwatan at magpapatupad ng terrorist act,kabilang na iyong mga susuporta at magre recruit ng miyembro.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/un-kay-duterte-wag-lagdaan-anti-terror-bill/)

Walang komento