Recent Posts

Breaking News

Ulo ng Hatid Tulong pinasisibak ni Goma

Nanggalaiti si Ormoc City Mayor Richard Gomez nang masaksihan ang kumpulan ng mga locally stranded individual (LSI) sa Rizal Memorial Sports Complex, habang patuloy na nananalasa ang coronavirus pandemic.

Sa Facebook kahapon, sumulat ang alkalde ng bukas na liham para kay Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan gusto niyang maalis sa puwesto ang sinumang nangangasiwa sa programa ng pambansang gobyernong Hatid Tulong o ang pagpapauwi ng mga LSI sa kani-kanilang mga probinsya.

Nilakip niya ang ilang larawan ng nagsisiksikang mga mamamayan sa stadium.

“Mr. President, this is the situation right now at the Rizal Memorial Coliseum for the Hatid Tulong program,” wika ni Gomez.

“Who is your person in charge of this program? I am sorry but in my opinion, that person doesn’t know what he is doing in organizing something as big as this. He cannot tell the people to be in an orderly manner. No social distancing for more than 2 days!” aniya pa.

Giit ng aktor-na-naging-politiko, marapat lang na sibakin na ang organizer ng Hatid Tulong dahil marahil ay kakalat pa aniya ang COVID-19 sa mga probinsya na uuwian ng mga nabanggit na LSI.

“How many of them will be infected with Covid as they head home to their provinces this week because of this arrangement!?” usisa ng alkalde.

“Whoever that person heading this program should be fired for insensitivity and no regard for public health!” dagdag niya.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ulo-ng-hatid-tulong-pinasisibak-ni-goma7/)

Walang komento