Recent Posts

Breaking News

TRO laban sa Anti-Terror Act, nilalakad ng ilang grupo

Naghain ng petisyon ang ilang grupo para patawan ng temporary restraining order (TRO) para hindi matuloy ang pagsasabatas ng Anti-Terrorism Bill na nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa Facebook post ng Calleja Law Firm, kasama sa mga petitioner si Atty. Howard Calleja, maging ang dating Education Secretary Br. Armin Luistro para sa hiling na TRO laban sa kontrobersyal na panukalang batas.

Ang nasabing petisyon ay na-file na gamit ang teknolohiya, ngunit sa Lunes ay pupunta ang grupo sa Supreme Court para pisikal na ihain ang reklamo laban sa nasabing bill.

“The group advocates a just and humane law that is for the benefit of all Filipinos. While threats to our national security need to be addressed, the law, as crafted, is oppressive and inconsistent with our constitution, hence, the petition. This fight against Terrorism should not and should never be a threat to the fundamental freedoms of all peaceful Filipinos,” ayon sa grupo.

Kasama sa mga pinagpapaliwanag ng grupo ay sina Executive Secretary Salvador Medialdea, National Security Adviser, ang mga kalihim sa Defense, DILG, DOF, DOJ at DICT, at Anti-Money Laundering Council executive director.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/tro-laban-sa-anti-terror-act-nilalakad-ng-ilang-grupo/)

Walang komento