Recent Posts

Breaking News

Tracing czar Magalong pinulong mga NCR mayor

Nakipagpulong na si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa mga alkalde sa National Capital Region (NCR) para mapalakas ang contact tracing sa mga taong nakasalamuha ng mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Si Magalong ay kabilang sa apat na opisyal ng gobyerno na itinalaga bilang `anti-COVID czar’ para paigtingin ang paglaban sa paglaganap ng COVID-19 pandemic sa bansa. Hinirang siya para pamunuan ang contact tracing dahil sa magandang halimbawa na ipinakita niya sa Baguio City.

Sa panayam kay Magalong sa telebisyon Miyerkoles ng umaga, sinabi nito na nagpulong na sila ng mga alkalde sa Metro Manila kasama si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

Sa kanilang pulong, pinakita aniya ang contact tracing methodology at case study sa Cebu kung saan nakapagtala ng maraming kaso ng COVID-19 infection.

Inaasahan ni Magalong na magkakaroon ng resulta ang pinaigting na contact tracing pagdating ng buwan ng Agosto.

“We just have to be optimistic. When I got the designation last Monday, I hit the ground running. Nag-training na agad. We need thousands of contact tracers, to be honest with you. 100 cases today, ideally we should have three teams per one case, ideally but that is not going to happen because of limited resources. Compromising set up is one contact tracer per positive case per day,” ani Magalong.

Ayon kay Magalong, binago na rin niya ang tawag sa contact tracing team.

“Binago ko na. We don’t call it a team anymore, we call it a contact tracing ecosystem. May interviewer-policemen investigator and health worker. Dapat one is to one, `yon na lang ang compromise,” aniya pa.
Maayos naman aniya ang pagtanggap sa kanila ng mga local chief executive kung saan ipinakita nila ang sitwasyon sa COVID-19 pandemic at doon nakita ng mga alkalde kung paano tutugunan ang problema.

“When we talk about the strategy on how to implement, they were enthusiastic,” ani Magalong.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/tracing-czar-magalong-pinulong-mga-ncr-mayor/)

Walang komento