Recent Posts

Breaking News

Tinumba ko ang mga oligarko! – Duterte

Pinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na nabuwag niya ang mga oligarkong kumokontrol sa ekonomiya at hindi nagbabayad ng tamang buwis sa bansa nang hindi nagdedeklara ng martial law.

Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo sa kanyang pagbisita sa kampo ng mga sundalo sa Jolo, Sulu nitong Lunes ng hapon.

Sinabi ng Pangulo na sinamantala ng mga oligarko ang kanilang political power dahil ang mga ito ang nagpopondo tuwing eleksiyon sa kanilang mga manok at kapag nanalo ay nasa kanila ang lahat ng pabor, kasama na dito ang hindi pagbabayad ng buwis.

“Without declaring martial law, I dismantled the oligarchy that controlled the economy of the Filipino people. Ito yung mga mayayaman na ginagatasan ang gobyerno pati na ang tao,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na isang pamilya lamang ang nag-uusap kung paano kontrolin at laruin ang bayan pero nabuwag na niya ang mga ito.

Barya-barya lamang aniya ang korapsiyon sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC ) kumpara sa bilyon-bilyong pisong kinukulimbat ng mga nakaupo noon sa mas mataas na puwesto.

“Iyong Customs sinsilyo lang yan, BIR sinsilyo yan. Ang corruption na bilyon sa taas,” dagdag mg Pangulo.

Matatandaang malimit na batikusin noon ni Duterte sa kanyang mga talumpati ang mga may-ari ng Philippine Daily Inquirer dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis pati ang may-ari ng ABS-CBN dahil sa hindi binayarang bilyong utang sa Development Bank of the Philippines (DBP) at pag-estafa sa kanyang bayad sa political ads na hindi inere noong panahon ng kampanya ng presidential elections.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/tinumba-ko-ang-mga-oligarko-duterte/)

Walang komento