Recent Posts

Breaking News

Tensyon sa AFP, PNP humupa na – Gamboa

Wala nang tensyong namamagitan sa mga pulis at military dahil sa pagkamatay ng apat na sundalo sa Jolo, Sulu noong nakaraang buwan, ayon kay Philippine National Police (PNP) Director General Archie Gamboa.

“I don’t think meron pang pressure na ganun, meron pang tension na ganun sa Jolo,” pahayag ni Gamboa sa press briefing sa Camp Crame Lunes ng umaga.

Ayon kay Gamboa, patuloy na nag-aantabay sa resultang isinasagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at PNP hinggil sa naturang insidente.

“For the mean time we continue to work together,” ani Gamboa.

Sa kasalukuyan nasa Camp Crame na ang siyam na pulis na akusado sa pagkamatay ng apat na sundalo upang maging madali ang pagtawag sa kanila sakaling kailanganin sa imbestigasyon ng NBI.

Samantala, ang Joint AFP at PNP Board of Inquiry ay nakatakdang bisitahin ang kanilang operational procedure upang makagawa ng final report ayon pa kay Gamboa at posibleng mabuo ito matapos ang isang linggo.

“Kung ano ang resulta ng inquiry, we will adjust our operational policy,” saad pa ni Gamboa.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/tensyon-sa-afp-pnp-humupa-na-gamboa/)

Walang komento