Recent Posts

Breaking News

Tapyas sa gasolina ikakasa

Alas-sais ng umaga bukas, Hulyo 7, ipatutupad ng mga kompanya ng langis ang bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa, matapos ang ilang linggong taas-singil sa mga ito.

Sinabi ng Pilipinas Shell na magbabawas ito nang P0.65 sentimo kada litro ng gasolina, at P0.40 sentimo sa kerosene. Walang pagbabago sa presyo ng diesel.

Samantala, tatapyasan naman ng Petro Gazz nang P0.65 sentimo sa gasolina.

Inaasahan naman na susunod na magpalabas ng abiso ng oil price rollback sa mga produktong petrolyo ang iba pang kompanya ng langis sa bansa.

Matatandaang apat na sunod na linggo na ang dagdag-presyo sa gasolina habang walong linggo naman para sa diesel at kerosene.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/tapyas-sa-gasolina-ikakasa/)

Walang komento