Recent Posts

Breaking News

Taguig may exercise safe zone

Maglalagay ng exercise safe zone ang pamahalaang lokal ng Taguig City para sa mga residenteng gustong mag-ehersisyo at magpapawis habang sumasailalim sa mahigpit na health at safety protocol.

Inumpisahan ng Taguig ang nasabing proyekto sa paglalagay ng mga personnel sa kahabaan ng Bayani Road sa Heritage Memorial Park, isang popular na lugar kung saan maraming mga residente ng lungsod ang nagdya-jogging, biking at aerobics.

Bukod dito, may mga personnel din ang pamahalaang lokal sa Taguig Lakeshore Complex na isa rin sa paboritong dinadayo ng mga taga-lungsod para mag-jogging, gayundin ang 3.5 kilometrong kahabaan ng C-6 bike lane sa Brgy. Lower Bicutan.

Ginawa ang proyekto matapos ang mga ulat na maraming mga nag-eehersisyo at nagba-bike na mga residente ang hindi sumusunod sa mga health at safety protocol.

Sisiguruhin ng mga personnel na itatalaga sa mga exercise free zone na maipatutupad ang national guidelines.

Bukod sa mga personnel, maglalagay din ang lungsod ng mga signage sa kahabaan ng exercise safe zone upang ipaalala sa publiko ang mga dapat nilang gawin habang nag-eehersisyo.

Maglalagay din ang lungsod ng mga istasyon para sa regular monitoring, bike repair, at help desk sa mga itinakdang safe zone.

Para naman mamonitor ang kahabaan ng higit tatlong kilometrong bike lane sa Bayani Road, bubuo ang lungsod ng bike patrol team sa ilalim ng Bike-Friendly Taguig Ordinance na pinirmahan noong Hunyo 1



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/taguig-may-exercise-safe-zone/)

Walang komento