Recent Posts

Breaking News

Sumakabilang-buhay na ang retiradong Navy Commodore na si Rex Robles.

Siya ay edad 77.

“We love you, Papa Rex Robles. We will miss you,” ang sambit ng kanyang pamangkin na si Razel sa Facebook, Hulyo 5.

Sa Twitter naman nagpahayag ng pakikiramay sina special adviser to the National Task Force Against COVID-19 Dr. Ted Herbosa, political strategist Malou Tiquia, at BusinessMirror columnist John Mangun.

Kabilang si Robles sa mga tinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017 sa Consultative Committee para rebyuhin ang Konstitusyon 1987.

Bukod dito, parte si Robles sa Reform the Armed Forces Movement (RAM) members na grupo ng mga sundalo na tinatag noong 1980s, kung kailan talamak ang katiwalian sa Philippine military noong gobyernong Marcos.

Kasama rin siya sa mga lumahok sa EDSA revolt.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/sumakabilang-buhay-na-ang-retiradong-navy-commodore-na-si-rex-robles/)

Walang komento