Recent Posts

Breaking News

Sulu congressman sapul ng coronavirus

Na-test na positibo ng COVID-19 si Sulu 1st District Rep. Samier Tan.

Ayon kay House Secretary-General Jose Luis Montales, kabilang si Tan sa tatlong bagong kaso ng disease sa Kamara.

Dahil dito, 22 na ang kumpirmadong kaso ng virus sa House of Representatives.

Huling bumisita si Montales sa Batasan Pambansa grounds noong Mayo 18.

Asymptomatic siya at naka-home quarantine na sa Sulu.

Samantala, ang dalawa pang COVID case sa Kamara ay isang committee publication staff writer at isang consultant ng House member.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sulu-congressman-sapul-ng-coronavirus/)

Walang komento