Recent Posts

Breaking News

Subdivision sa Tagaytay ini-lockdown

Sinailalim sa lockdown ang South Ridge Estate sa Tagaytay matapos mapag-alamang mayroon isang COVID-19 case sa nasabing subdivision na nagmula sa Pasig City.

Ayon sa opisyal na anunsyo ng lungsod, nitong Hulyo 2 ay nakipag-ugnayan ang Pasig Health Office sa pamahalaan ng Tagaytay dahil sa isang kumpirmadong COVID-19 case.

Residente ng Pasig at nagtatrabaho sa isang ospital sa Valenzuela City ang COVID-19 patient ngunit simula ng GCQ, June 2, 2020 ay tumuloy na sa kanilang resthouse ng kanilang ina sa South Ridge Estate kasama ang kanyang pamilya.

Simula noong lumabas ang positive result ng naturang pasyente, sumailalim din ang kanyang pamilya sa swab test at kalauna’y napag-alaman na dalawa pa sa kanyang pamilya ay positibo rin sa COVID-19.

Agarang inabisuhan ng lokal na pamahalaan ang administrasyon ng South Ridge Estate na isailalim ang naturang subdivision sa lockdown base sa IATF protocols.

Dahil sa asymptomatic at mild ang mga sintomas ng mga naturang pasyente, base sa rekomendasyon ng Department of Health, maaari sumailalim ang mga ito sa home quarantine.

Epektibo ang lockdown ng July 2 hanggang makasiguro na walang local transmission ng virus sa mga residente ng subdivision.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/subdivision-sa-tagaytay-ini-lockdown/)

Walang komento