Recent Posts

Breaking News

Staff WFH muna: Lockdown sa Napolcom building, extended

Nasundan pa si Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III nang magpositibo sa COVID-19 ang isa pang staff ng ahensya.

Sa isang pahayag, inanunsyo ng DILG-Napolcom ang pag-extend ng lockdown sa kanilang opisina sa Quezon Ciy matapos na magpositibo ang isa pang empleyado nito sa virus.

“Therefore, the NAPOLCOM Office, located at EDSA corner Quezon Avenue, West Triangle, Quezon City will be closed to the public for another week from July 13 to July 17,” ayon sa pahayag ng Napolcom.

Unang sinara ang gusali noong July 6 matapos ianunsyo ni Densing na siya’y tinamaan ng COVID-19.

Dahil dito’y naka-work-from-home setup ang mga personnel ng Napolcom sa buong linggo, at tanging ang kanilang Personnel and Administrative Service staff ang nasa kanilang opisina para tumanggap ng mga dokumento.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/staff-wfh-muna-lockdown-sa-napolcom-building-extended/)

Walang komento