Recent Posts

Breaking News

Sotto sa US lawmakers: Mind your own business!

Kinastigo ni Senate President Vicente Sotto III ang ilang mambabatas sa United States na nanawagan para sa agarang pagbasura ng Anti-Terrorism Act of 2020.

Ayon kay Sotto, ‘misinformed’ ang mga US senator at ibinase ang kanilang opinyon sa mga nakikita nila sa social media.

“They’re misinformed. Why don’t they take a look at their laws? Namimintas sila sa anti-terror law natin samantalang ‘yung bansa nila mas mahigpit kesa sa anti-terror law natin. Bakit sila nakikialam,” ani Sotto, isa sa mga pangunahing author ng panukala sa Senado.

“I think these guys are just basing it on what they read on social media. Mind your own business,” dagdag pa nito.

Ginawa ni Sotto ang pahayag matapos sabihin ni US Congresswoman Jan Schakowsky na siya at 44 pang mambabatas ay nagpadala ng liham kay Philippine Ambassador to the US Jose Romualdez at nanawagan na ibasura ang nasabing batas.

“This law is overbroad and we believe that it’s already being used to stifle peaceful dissent and targets civil society, including human and labor rights groups in the Philippines,” ayon kay Schakowsky.

Subalit depensa ni Sotto, puno ng ‘safeguards’ ang nasabing batas para sa anumang tangkang pag-abuso.

Kinukuwestiyon na ngayon sa Korte Suprema ang constitutionality ng naturang batas.

Pero paniwala ni Sotto, hindi maaaring maimpluwensiyahan ng sinuman ang mga justice sa kanilang desisyon kahit na nanawagan pa ang mga US lawmaker para sa pag-repeal nito.

“Hindi naiimpluwensyahan ang Supreme Court nang mga ganyan. Hindi nai-intimidate ang Supreme Court nang mga ganyan,” ani Sotto.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/sotto-sa-us-lawmakers-mind-your-own-business/)

Walang komento