Recent Posts

Breaking News

Sotto balak magretiro sa 2022

Kinukunsidera na ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang pagpapahinga sa pulitika matapos ang kanyang termino sa 2022.

Ayon kay Sotto, kanyang unang option ang pagreretiro matapos magsilbi sa gobyerno ng halos tatlong dekada.

“We have a saying in Tagalog: Mahirap magsalita nang tapos. But my priority, my first option is to retire. I’ve been in government for almost 30 years,” saad ng senador sa ANC.

“It’s not really that easy to think about coming up or running for a higher office.”

Aniya pa, tila napilayan ang kanyang kinabibilangang National People’s Coalition matapos pumanaw ang chairman nito na si Eduardo “Danding” Cojuangco.

Ngunit hindi pa sinasarado ni Sotto ang pinto sa posibleng pagtakbo sa 2022.

“Depende, tingnan natin. I cannot say yes, I cannot say no at this point.”



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sotto-balak-magretiro-sa-2022/)

Walang komento