Recent Posts

Breaking News

Sky Cable sinunod ang NTC, aaksiyon din

Tinigil na ng Sky Cable Corp., subsidiary ng ABS-CBN, ang operasyon nito sa SKYdirect simula kagabi, Hunyo 30, kasunod ng nilabas na cease and desist order laban sa kanila ng National Telecommunications Commission.

Sa isang pahayag, sinabi ng kompanya na dahil sa paghinto nila ng kanilang direct broadcast satellite service ay mawawalan ng access sa “news, information, education and entertainment” ang 1.5 milyong subscriber nila sa bansa, “including those in remote areas that do not receive television signals.”

Nangako naman sila na gagawin ang lahat ng legal na aksiyon para maipagpatuloy ang kanilang operasyon, at ire-refund ang hindi nakonsumong prepaid load at advance postpaid payment.

“In the spirit of fairness, we continue to appeal to the NTC to extend the same privilege given in the past to other companies whose franchises have expired but are currently pending in Congress to continue its operations until a resolution is passed,” wika ng Sky Cable, Hunyo 30.

“We assure our subscribers that we will exhaust all legal remedies to resume our services,” dagdag ng kompanya. “We appeal to our SKYdirect subscribers and partners for understanding and patience as we undergo this process.”

Samantala, hindi anila apektado sa shutdown ang mga subscriber ng SKYcable at SKY Fiber.

Ayon sa NTC, napaso rin noong Mayo 4, 2020 ang prangkisa ng Sky Cable, kasabay ng pag-expire ng sa ABS-CBN.

Pinatigil ng NTC ang free television operations ng Kapamilya network noong Mayo 5.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/sky-cable-sinunod-ang-ntc-aaksiyon-din/)

Walang komento