Recent Posts

Breaking News

Seaport puslitan ng iligal na droga -PDEA

Inamin kahapon ni PDEA Spokesman Derrick Carreon na sa mga seaport idinadaan ang mga iligal na droga na papasok ng bansa.

Sa panayam ng ‘Patrolya Probinsya’ sa Abante Radyo Tabloidista nitong Sabado sinabi ni Carreon na ang mga seaport ngayon ang puntiryang daanan ng mga galamay ng sindikato ng iligal na droga.

“Sa dagat , through ship site smuggling. Kasi in the airports ‘yung mga African drug organization na nagpapagalaw ng courier dyan, they can only send maximum of 14 kilos, sa parcel by the kilos pero pag ecstasy marami-rami,” dagdag ni Carreon.

Gayunman ay sinabi ni Carreon na lahat ng ports ay possible din namang entry point ng drug smuggling.

“Kaya pinaigting ang seaports interjection units natin dahil lahat puwedeng bagsakan. Kasi kung sana nila nakikitang maluwg doon sila nagbabagsak,” paliwanag pa ng PDEA spokesman nang tanungin sa bagsakan ng droga ng sindikato.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/seaport-puslitan-ng-iligal-na-droga-pdea/)

Walang komento