Recent Posts

Breaking News

Sarah Elago dinemanda mga nagbabanta, nangre-redtag sa kabataan

Kasama ni Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago ang ilang lider ng progresibong youth group na naghain ng reklamo laban sa mga netizen na umano’y nagbabanta at nangre-redtag sa kanila.

Huwebes nang sinumite ni Elago sa National Bureau of Investigation ang nasa 30 social media post na aniya’y nang-uudyok ng karahasan, pagbabanta, o red-tagging–ang tawag sa pagbansag sa mga kritiko ng gobyerno bilang “komunista” o “terorista”–laban sa mga youth at student org.

Kabilang sa mga post ay mula sa social media account ng Philippine National Police at ng Armed Forces of the Philippines.

“Purveyors of false info, fake allegation must be held accountable,” ayon pa sa mambabatas. na kinilala ng One Young World bilang “Politician of the Year 2020”.

Isusumite rin umano ni Elago ang parehong mga ebidensiya sa Commission on Human Rights.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/sarah-elago-dinemanda-mga-nagbabanta-nangre-redtag-sa-kabataan/)

Walang komento