Recent Posts

Breaking News

Sapul ng COVID-19 sa India, 1M

Lampas na sa isang milyon ang mga indibidwal sa India na nakikipaglaban sa COVID-19.

Sa dashboard ng Center for Systems Science and Engineering ng Johns Hopkins University

Sa dashboard ng Center for Systems Science and Engineering ng Johns Hopkins University, nakasaad na 1,038,716 na ang kumpirmadong kaso ng virus doon.

Ang India ang ikatlong bansa na may pinakamaraming nasapul ng COVID-19, matapos ang Amerika (3.7 milyon) at Brazil (2.07 milyon).

Samantala, 26,273 na ang yumao habang 653,751 ang gumaling na mula sa coronavirus sa India.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/sapul-ng-covid-19-sa-india-1m/)

Walang komento