Recent Posts

Breaking News

Sangkatutak na reklamo ng mga nurse, kinontra ng San Lazaro Hospital

Pumalag ang management ng San Lazaro Hospital sa mga reklamo ng kanilang mga nurse dahil sa umano’y hirap na nararanasan ng mga ito sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Sa nagging pahayag nig Filipino Nurses United – San Lazaro chapter,sinabi nila na nasa 40 na nurse na ang nagpopositibo sa virus sa kanilang hanay.

Ito’y dahil sa kakulangan umano ng mga personal protective equipment na ibinibigay sa kanila, kung saan inuutusan umano sila na mag-ulit ng mga PPE.

Ilan pa sa mga nireklamo ng mga nurse ay ang kakulangan daw ng ospital sa kanilang accommodation, transportation, at tamang pasweldo, gayundin ang umano’y understaffing dahilan para sila’y magtrabaho ng mas mahabang oras.

Tugon naman ng San Lazaro, inaprubahan ng supervisor at mga staff ng kanilang Nursing Division ang kanilang work schedule,kung saan mas pinaunti ang araw ng trabaho sa isang linggo.

Saad pa ng ospital, walang nakikitang rason para ireklamo sila ng understaffing dahil kaunti lang ang occupancy rate at halos parehas lang ang bilang ng kanilang mga staff kapag full capacity ang kanilang ospital.

“With our current occupancy rate of only around 20% and with the almost the same number of staff that took care of patients at even 80-100% occupancy rate prior to the pandemic (during dengue, leptospirosis, and measles outbreak), management DON’T see reasons or basis for their claim of understaffing,” paliwanag ng management.

“In fact, the standard nurse to patient ratio is being observed accordingly. (e.g. 1:1 and even 2:1 nurse to patient ratio, at certain instances, in intensive care areas,” saad pa.

Paglilinaw pa ng ospital, pinapayagan ang pag-uulit ng mga N95 mask basta’t nasusunod ang ilang kondisyon, at sinabi ring sapat pa ang kanilang supply ng mga face mask at PPE.

Bukod pa dito, dinepensa din ng San Lazaro Hospital na mayroon silang hotel accommodation para sa kanilang mga staff na pinapatira sa hotel, at siniguro din na naaayon sa kanilang guideline at budget ang suweldo ng bawat empleyado.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/sangkatutak-na-reklamo-ng-mga-nurse-kinontra-ng-san-lazaro-hospital/)

Walang komento