Recent Posts

Breaking News

Sanggol nadale ng COVID sa Talisay

Isang bagong panganak na sanggol ang tinamaan ng COVID-19 sa Talisay City, Cebu, ayon sa Public Information Office ng lungsod nitong Sabado.

Ayon sa report, nagpositibo sa virus ang baby matapos ding makumpirmang may virus ang ina nito.

“Her mother was positive for the virus, thus, she was swabbed last July 20, 2020. She is still in the hospital,” saad ng Talisay City PIO.

Bukod pa sa nasabing baby, isa pang babae ang bagong kaso ng COVID-19 sa nasabing lugar, na nagmula naman sa Barangay Bulacao.

681 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Talisay City mula nitong Sabado, 430 dito ay active case.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sanggol-nadale-ng-covid-sa-talisay/)

Walang komento