Recent Posts

Breaking News

Sandara nag-Tagalog sa Korean show, trending!

Pinag-usapan sa Twitter si Sandara Park nang magsalita siya ng Tagalog sa isang Korean show.

Sa mga video na binahagi ng mga netizen, tila nagtagisan sa aktingan sina Sandara at Korean actress Choi Su-rin nang maubusan ng sasabihin ang una.

Dito na siya nagsalita ng Tagalog.

“Ano po sinasabi niyo? Hindi ko kayo maintindihan, galing po ako sa Pilipinas,” saad ni Sandara kay Su-rin.

Nasorpresa ang mga Korean na nasa show.

Positibo ang reaksyon dito ng mga netizen at ang ilan ay nagsabing ang galing pa rin daw na mag-Tagalog ni Sandara.

 

 



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sandara-nag-tagalog-sa-korean-show-trending/)

Walang komento