Recent Posts

Breaking News

Sakramento ang kasal! Online wedding ‘di kailangan – obispo

Umayaw ang isang diyosesis sa panukala ng isang mambabatas na payagan ang online wedding, lalo ngayong may coronavirus pandemic.

Noong Martes, hinain ni Kabayan Rep. Ron Salo ang House Bill 7042 kung saan gusto niyang ipabilang ang virtual presence o video conferencing sa mga kahulugan ng personal appearance na kahingian para maging valid ang isang kasal.

Ibig sabihin, magkasama ang ikakasal sa iisang lugar at online o virtual lang nila makakaharap ang solemnizing officer.

Tinutulan ito ni Bishop Ruperto Santos ng Diocese of Balanga, Bataan.

Sinabi niyang maidaraos na ang kasal sa kanilang lugar dahil nakasailalim sila sa modified general community quarantine.

Binanggit din niya na hindi makatitiyak na malayang magpakasal ang dalawang tao kung online ito gagawin, at na hindi isang palabas o presentasyon lang ang sakramento ng kasal.

“Church wedding is a covenant between the couple themselves, and they, as a couple, with God as Godparent being the witness, and the priest as a minister. Thus, it is a community celebration, with physical presence and active participation,” wika ni Santos sa isang pahayag.

“Here, in the Diocese of Balanga, there is no need for an online wedding. With MGCQ (modified general community quarantine), we can now accommodate 50 percent of the capacity of the Church, and besides, we have liturgical guidelines for a wedding that states we can limit it to 30 persons.”

“Consent should be freely given, without coercion nor forced. With online wedding how can we, priests, be sure and certain that the couple is not impeded in their free decision to get married?”

“t’s not a virtual nor a showcase as if participants are watching a presentation or shows. But it is a sacrament, a celebration of life and love, in which God’s graces are given,” aniya pa.

Hinikayat din niya ang mga magpapakasal na maging mapagpasensya dahil matatapos na aniya ang pandemya.

“Finally, as they say, ‘love can wait,’ so we should be patient. We will surely surpass this COVID-19. God, in His perfect time, will give us a cure to this virus. He will heal us,” sambit pa ng obispo.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/sakramento-ang-kasal-online-wedding-di-kailangan-obispo/)

Walang komento