Recent Posts

Breaking News

Sa wakas! Alessandra nag-Top 1 na

Tingin ni Alessandra de Rossi, alam na niya ang dahilan kung bakit hindi siya kailanman naging Top 1 noong elementary.

Nanguna sa Netflix PH ang 2018 Pinoy film na “Through Night and Day,” na pinagbibidahan nina de Rossi at Paolo Contis.

“Ay. Taray. Never ako nag top 1 nung elementary. Ito na yata yun. (emojis: face with tears of joy, red heart),” sey ng aktres sa Twitter kagabi.

Sa comments, puring-puri naman ng madla si Alex.

“Alessandra is an art form. Ever since then, her movies were of caliber and with taste with reality flavored-flair. Sad she’s so underrated. Congratz lodi,” sey ng isa.

“YEHEEEESSSS. DESERVE MO POTA SANA PATI INTERNATIONAL HAYOP. PROUD SAYO SI MAMA, ALEX,” bulalas ng isa pa.

“Congratulations ate . Napakagaling niyo po talaga umarte. Honestly sobrang bigat ng emosyon ng pelikula at ang hirap din makaalis sa emosyon na yon at iyon din ang nagpapatunay na napakagaling niyo pong aktress. Thank you po for breaking my heart,” wika ng isang netizen.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/sa-wakas-alessandra-nag-top-1-na/)

Walang komento