Recent Posts

Breaking News

Ryza Cenon buntis!

Limang buwang buntis na ang 32-anyos na aktres na si Ryza Cenon.

Nilantad niya ito sa isang PEP.ph report.

Sa parehong report, sinabi ng aktres na ang ama ng bata ay kanyang dyowa na si cinematographer Miguel Antonio Cruz.

Samantala, pinakita niya rin ang kanyang baby bump Instagram at ang “reaksiyon” ng kanyang alagang pug.

“It’s the small moments that make life big. Happiness is on the way,” sey ni Ryza ngayong umaga, sabay lakip ng hashtags #prayeranswered, #Godsgift, at #newjourney.

Binati siya ng mga kapwa celebrity na sina LJ Reyes, Isabel Oli-Prats, Joseph Marco, Max Collins-Magno, at Francis Magundayao.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/ryza-cenon-buntis/)

Walang komento