Recent Posts

Breaking News

Roque: ‘Wag maalarma sa pagsirit ng COVID case

Kung ang Malacañang ang tatanungin, hindi dapat mabahala ang publiko sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 case sa bansa, na una na sa active case sa Southeast Asia.

Paliwanag ni presidential spokesperson Harry Roque, kaunti lang naman daw ang severe case ng tinatamaan ng sakit sa Pilipinas.

“Hindi naman po dapat ikabahala ng tuluyan itong numerong ito… dahil kakaunti lang po ang nagkakasakit ng severe or accute,” saad ni Roque nitong Martes.

Binanatan din nito si Senate Minority Leader Franklin Drilon, na sinabing mali umano ito ng sambiting palpak ang gobyerno sa paglutas ng pandemya sa bansa.

“Hindi kami sumasang-ayon sa sinasabi ni Senator Drilon. Dahil kung tayo ay pumalpak ng gaya ng sinasabi niya, nagkatotoo po sana yung forecast ng UP na 3.5 million ngayon ang may sakit. Sabi pa nga nung isang think tank, 20 million dapat ngayon ang may sakit,” giit ni Roque.

“Hindi ba ‘yan pruweba na meron tayong mga hakbang na ginawa na tama?” aniya pa.

Sa ngayon ay umabot na sa 83,673 ang COVID-19 case sa bansa, 26,617 ang bilang ng gumaling at 1,947 ang death toll.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/roque-wag-maalarma-sa-pagsirit-ng-covid-case/)

Walang komento