Recent Posts

Breaking News

Roque sa mga basher: Panalo kayo!

Tinanggap ng Malacañang ang tila pagkatalo sa prediksiyon ng mga eksperto ng University of the Philippines matapos hindi napigilan ang pag-akyat ng COVID-19 case sa bansa.

Sa harap na rin ito ng posibilidad na malampasan ang 85,000 kaso ng coronavirus na forecast ng UP hanggang sa katapusan ng Hulyo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nangyari ang prediksiyon kaya walang dapat na ipagdiwang, pero hindi aniya ito dahilan para panghinaan ng loob at hayaang dumami pa ang mga tatamaan ng COVID-19.

Mas lalo aniyang dapat paigtingin ang contact tracing, testing,treatment at isolation para epektibong mapigilan ang pagkalat pa ng virus dshil nagawa na ito sa Cebu City kaya magagawa rin ito sa Metro Manila.

“The forecast happened and I see no reason why we should celebrate. It’s very sad but as I have conferred with Professor Ranjit Rai we should always aim to beat the forecast because we have the tool and it can happen, because it happen in Cebu already,” ani Roque.

Nakakalungkot ani Roque pero ito ang reyalidad kaya muling pinaalalahanan ang publiko na gawin ang mga pag-iingat para makaiwas sa COVID-19.

Para naman sa mga kritiko nito, sinabi ni Roque na nagtagumpay ang mga ito matapos buskahin ang kanyang reaksiyon sa unang prediksiyon ng UP.

“I’m sad to say we’re not. Those who were made fun of my excitement, well you’ve got what you wanted,”dagdag ni Roque.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/roque-sa-mga-basher-panalo-kayo/)

Walang komento