Recent Posts

Breaking News

Roque nalungkot sa pagsirit ng COVID case

Inamin ng Malacañang na ikinalungkot nila ang patuloy na pagtaas ng COVID cases sa bansa, lalo na ang record-high na 2,434 bilang ng mga tinamaan ng sakit sa loob lamang ng isang araw.

Pero sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi ito dahilan para panghinaan ng loob ang mga Pilipino kaya sa halip na mag-alala ay dapat ituloy ang paglaban sa COVID-19.

Pumalo na sa mahigit 44,000 ang COVID cases sa bansa sa kabila ng paulit-ulit na pakiusap ng gobyerno sa publiko na sundin ang mga tamang gawin para hindi makontamina ng nakamamatay na virus.

“Marami po ang kinabahan sa ulat na ito na maging kami ay nalungkot nung una naming marinig ito. Ngunit hindi po tayo dapat panghinaan ng loob, tuloy po ang laban,” ani Roque.

Pero sa kabila aniya ng maraming COVID cases, 94.3% dito ay mild cases, 0.5% lamang ang malalang kaso, 0.1% ang kritiksl at 5.1% naman ang asymptomatic.

Patuloy aniya ang pagtaas ng bilang ng mga gumagaling patunay ang halos dalawang libong naitalang naka-recover nitong weekend.

Muling hinimok ni Roque ang publiko na ipagpatuloy ang ginagawang paglaban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagsunod sa social distancing, paggamit ng face mask, malimit na paghuhugas ng kamay at huwag lumabas ng bahay kung hinding-hindi rin lang kailangan.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/roque-nalungkot-sa-pagsirit-ng-covid-case/)

Walang komento