Recent Posts

Breaking News

Robredo-Recto tandem sa 2022? Ate Vi sumagot

Ano kayang sey ni Batangas Rep. Vilma Santos-Recto sa matunog na pagtatambal nila ni Vice President Leni Robredo sa 2022?

Dumami kasi ang nag-uudyok kay Ate Vi na tumakbo sa pagka-Bise Presidente matapos nitong ipaglaban ang ABS-CBN sa Kongreso kung saan isa ito sa 11 kongresista na tumutol sa shutdown ng network.

At heto nga ay nabuo ang ‘Robredo-Recto’ tandem na sigaw ng madla para sa 2022 national elections.

Sa Facebook Live naman nina MJ Felipe at Ogie Diaz, naitanong kay Ate Vi kung anong tingin niya sa nasabing tambalan.

“Sana Ogs si ate Vi, tumakbo ng Vice President,” sundot ni MJ, na sinuportahan naman ni Ogie.

“Alam na niya ‘yan, from mayor to governor to congresswoman. Diyos ko po! Puwede Vi, Ate Vi?” tanong naman ng kilalang talent manager.

“Sobra naman! Salamat po salamat po! Lagi niyo lang ipagdasal pamilya ko bansa natin at guidance sa pagiging public servant ko!” iwas na sagot ng actress-turned-politician, ngunit nangulit pa rin si Ogie.

“So hintayin natin ang sagot ni Ate Vi, kapag hindi siya sumagot, ibig sabihin YES,” biro ni Ogie.

“No political ambition!” biglang tugon ng mambabatas.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/robredo-recto-tandem-sa-2022-ate-vi-sumagot/)

Walang komento