Recent Posts

Breaking News

Roach huhubugin si Marcial

KILALANG mahusay na trainer si Freddie Roach kaya kabilang ito sa mga tinatarget ng MP Promotions na hahawak sa kanilang bagong bataan na si amateur boxing standout Eumir Felix Marcial.

Nagsasanay si 24-year-old Marcial sa Los Angeles, California at plano ni eight-division world champion Manny Pacquiao na ihanda siya sa tatlong professional fight.

“We’re gonna go there try a few trainers. hopefully, Freddie. I think he’ll be a great trainer/coach if you look at the history. He’s done a few good things with the Filipino fighters. I think he’s got a good track record there,” hayag ni Sean Gibbons, ang MP Promotions president, sa webcast edition ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum.

Pormal nang nasa bakuran ni fighting senator Pacquiao si Marcial matapos lumagda ng six-year contract sa MP Promotions.

Suportado naman ni Pacquiao ang kampanya ni Zamboanga City native Marcial sa 2020 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa susunod na taon.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/roach-huhubugin-si-marcial-2/)

Walang komento