Recent Posts

Breaking News

Rico Blanco suki ng manok ni Gloc-9

Suportado ni Pinoy singer-songwriter Rico Blanco ang sinimulang food business ni rapper Gloc-9 ngayong may pandemiya.

Sa Instagram post ng multi-awarded rapper-songwriter, ibinida ni Gloc-9 ang kanyang fried chicken na kanyang ibinebenta sa halagang P350.

“Di lang pang youtube!!! Maaari nyo na pong matikman ang Manok na pinirito ko!!! Sa halagang P350 (4pcs) puwede nyo na pong ulamin ang #friedchickennigloc 9 ORDER NA!!!” caption ng sikat na mang-aawit.

“Fried chicken ni gloc 9 (Talagang puwede) Fried chicken ni gloc 9 (Sige lang sige) Lutong panalo Ubod ng lutong Sa sobrang sarap Kulang pati tutong Fried chicken ni Gloc!!!” hirit pa nito.

Nag-komento naman si Blanco sa post ng “support ako dyan classmate! order na ako agad!”.

Bukod sa fried chicken, may iba’t ibang Pinoy ulam rin na ibibenta si Gloc-9 kagaya ng menudo, dinuguan, bopis at iba pa.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/rico-blanco-suki-ng-manok-ni-gloc-9/)

Walang komento