Recent Posts

Breaking News

RCEF ‘di kailangan ng pondo mula sa COVID budget – Villar

Hindi kailangan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ang karagdagang pondo mula sa COVID-19 prevention, ayon kay Senadora Cynthia Villar.

Ito’y dahil sa ilalim umano ng Rice Tarrification Law, may P10-bilyong budget kada taon mula sa ating national budget sa susunod pang anim na taon.

Paliwanag ni Villar, chair ng Senate committee on food ang agriculture, ang karagdagang pondo na hinihingi ng Department of Agriculture ay para sa kanilang iba pang programa at hindi para sa RCEF.

Bukod sa RCEF, may hiwalay na programa ang DA –ang National Rice Program na may taunang P7-bilyong budget. Ito ay ginagamit ng DA na pambili ng fertilizer and hybrid seeds.

Naging epektibo noong March 2019 ang Rice Tariffication Law (RTL) o Republic Act 11203. Nilagdaan ito ni President Rodrigo Duterte noong Pebrero 2019.

Sa ilalim ng batas, nagkaroon ng RCEF na sumisiguro sa P10 billion allocation kada taon o mas mataas pa na kukunin sa tariff na kinolekta ng Bureau of Customs.

Nakasaad din dito na nasimulan ng RCEF ang mga programang naglalayong matulungan ang mga lokal na magsasaka na makipagkumpetensiya para mapababa mula P12 kada kg sa P7 kada kg ang produksyon ng bigas.

“This cheaper supply of rice from our own rice farmer helps lower rice prices for Filipino consumers,” ani Villar.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/rcef-di-kailangan-ng-pondo-mula-sa-covid-budget-villar/)

Walang komento