Recent Posts

Breaking News

Rapid test sa mga empleyado giit ng DOH

Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga employer na i-random test para sa coronavirus disease ang mga empleyado nito kada dalawang linggo.

Sa rapid test nakikita ang presensiya ng antibodies o “protective protein” na ginagawa ng immune system para labanan ang anumang foreign substance sa katawan.

Lumalabas umano ang antibodies sa pagitan ng ikalima at ikapitong araw ng pagkakasakit.

“Para lang po makikita ninyo, mamo-monitor n’yo po iyong trend — kung nagkakaroon talaga ng kaso within your company,” wika ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Hindi nila inirerekomenda ang “indiscriminate” nasal swab test, sa kabila na ayon sa mga eksperto ay mas accurate ito kumpara sa rapid test.

Paliwanag ni Vergeire: “Testing is a point-in-time event, meaning if you get tested today, tomorrow if you go out for work, you’ll get exposed and then maybe you’ll get the disease again… Kaya nga po ayaw natin ng indiscriminate ang testing. Let’s go for those high-risk individuals.”



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/rapid-test-sa-mga-empleyado-giit-ng-doh/)

Walang komento