Recent Posts

Breaking News

Quezon City COVID case, lumobo sa 4,421

Sumirit sa 4,421 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City nitong Linggo, base sa datos ng Department of Health.

Sa nasabing bilang, 4,326 na mga pasyente ang nakuhanan na ng kumpletong address, habang ang active case naman ay 1,642.

Samantala, tumaas naman sa 2,415 ang bilang ng mga gumaling sa virus sa lungsod, 31 ang naitalang bagong nakarekober.

Habang umakyat sa 257 ang death toll matapos na isa ang mapaulat na nasawi sa COVID-19.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/quezon-city-covid-case-lumobo-sa-4421/)

Walang komento