Recent Posts

Breaking News

Quarantine sa Metro Manila, malalaman bago mag-Agosto

Malalaman sa loob ng linggong ito kung mananatli ang pag-iral ng general community quarantine status o ibabalik sa mas mahigpit na quarantine sa Metro Manila sa harap ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng tinamaan ng COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na magpupulong pa ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases at ikokonsulta sa mga lokal na opisyal sa National Capital Region ang magiging quarantine status.

“Before August 1, malalaman po natin ang mga bagong klasipikasyon. Magpupulong po kami para magbigay ng rekomendasyon ang DOH at magkakaroon ng konsultasyon sa mga LGU,” ani Roque.

Hindi rin inaalis ng kalihim ang posibilidad na ipaubaya muli sa mga alkalde sa Metro Manila ang pagtatakda ng quarantine status sa kani-kanilang nasasakupan.

Sinabi ni Roque na manggagaling kay Pangulong Rodrigo Duterte ang final recommendation kung babaguhin o mananatili ang kasalukuyang GCQ status sa Metro Manila.

Nakatakdang magtapos sa July 30 ang GCQ status sa NCR.

Batay sa record ng Department of Health (DOH) patuloy na tumataas ang COVID positive sa bansa subalit marami rin ang nakaka-recover mula sa COVID-19.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/quarantine-sa-metro-manila-malalaman-bago-mag-agosto/)

Walang komento