Recent Posts

Breaking News

Putol puno ni Villar naharangan: Baguio council tutok sa death threat sa UP prof

Bantay-sarado ng Baguio City Council ang propesor ng University of the Philippines Baguio matapos itong makatanggap ng death threat ilang oras matapos ipatigil ng lungsod ang pine tree-cutting ng Vista Residences, na condominium developer ng mga Villar.

Ayon kay Konsehal Arthur Allad-iw, nakatanggap ng death threat si Prof. Deign Frolley Soriano matapos itong magpresenta ng kanyang pag-aaral ukol sa epekto ng pagpuputol ng mga pine tree sa Baguio, na kanyang iprinesenta sa city session.

Matapos ang paglalahad ng kanyang pag-aaral ay naglabas ng moratorium ang city council para itigil ang pagputol ng puno sa kanilang lungsod.

Dito na umano nakatanggap ng mga mensahe si Soriano na banta sa kanyang buhay at pamilya katulad ng: “Kung hindi namin matumba mga puno, ikaw itutumba namin,” at “Tignan natin kung ano mas mahalaga mga puno o ang pamilya mo.”

“This cowardly act of sending anonymous text messages to environmental advocates is condemnable and must be stopped with the help of the National Bureau of Investigation…,” ayon sa resolusyon ng Baguio City council.

Pakli pa ni Allad-iw, ang banta kay Soriano ay magkakaroon ng ‘chilling effect’ para sa mga susunod na resource person na kanilang iimbitahan.

Kinuha ng council si Soriano para ibahagi ang negatibong impact ng pagputol ng puno para sa pagpapatayo ng mga condominium at iba pang establisimiyento.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/putol-puno-ni-villar-naharangan-baguio-council-tutok-sa-death-threat-sa-up-prof/)

Walang komento