Recent Posts

Breaking News

President Nadine Lustre pa rin – mga netizen

May sariling State of the Nation Address (SONA) si Nadine Lustre.

Kasabay ng panlimang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte, Lunes ng hapon, pinaskil ng aktres sa Instagram ang kanyang pinintang pahayag:

“Pagbabago, hindi abuso.
Pagkakaisa, wag mang-isa.
Hawak kamay, wag hugas-kamay.
I’m a Filipino and
I stand for my country.
We deserve better!”

Sa kanyang caption, nilahad ni Lustre na siya ay “nakikiisa sa bayan na lumalaban.”

Naglagay pa siya ng hashtags na #ItoAngSONAko at #SONAgkaisa, na tema ng protestang nilunsad kahapon kasabay ng SONA ng Pangulo.

Natuwa ang mga netizen sa nilabas na pahayag ni Nadine, at kinilala ang huli na kanilang “presidente”.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/president-nadine-lustre-pa-rin-mga-netizen/)

Walang komento