Recent Posts

Breaking News

PNP ni-raid opisina ng Kadamay, diyaryo kontra gobyerno kinumpiska

Kinondena ng Pinoy Weekly, isang alternative news publication, ang ginawang paghalughog sa opisina ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) nitong Linggo sa Pandi, Bulacan, kung saan pati ang kanilang mga diyaryo ay kinumpiska din ng mga pulis.

Sa pahayag ng Pinoy Weekly, nangyari umano ito bandang alas-9:30 ng umaga sa Villa Lois housing site kung saan walong tauhan ng Pandi police station ang pumasok sa opisina ng Kadamay na pinangunahan ni Pandi police chief PCPT Jun Alejandrino.

Saad umano ni Alejandrino base sa salaysay ng publication, iligal umano ang mga diyaryo na lumalaban sa gobyerno, dahilan para kumpiskahin ang mga ito.

“According to witnesses, during the raid, Alejandrino said that the publication “teaches the people to fight the government” and therefore is ‘illegal’,” saad ng Pinoy Weekly.

Binanatan din ng Kadamay ang PNP dahil inaresto rin sa nasabing raid ang community leader na si Rose Fortaleza kahit pa wala umanong warrant ang mga pulis.

“Ang pulis walang search warrant at walang batayan para sa pang-aaresto at kumpiskasyon ng aming materyales pero itinuloy pa din. Sinong kriminal dito?” ayon kay Kadamay spokesperson Mimi Doringo.

“Dapat palayain si Rose, hindi namin titigilan ang PNP hangga’t di siya nakakasama ng kanyang pamilya. Tuloy din ang laban bukas, mas lalong may dahilan para kumilos sa lansangan,” aniya pa.

Hindi pa naglalabas ng pahayag ang PNP ukol sa nasabing insidente.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pnp-ni-raid-opisina-ng-kadamay-diyaryo-kontra-gobyerno-kinumpiska/)

Walang komento