Recent Posts

Breaking News

PNP: Kadamay sinurender mga diyaryo ng Pinoy Weekly

Giit ng Central Luzon police, sinurender daw ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang mga diyaryo ng alternative media Pinoy Weekly dahil umano sa takot na magamit ito sa State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Taliwas ito sa magkatugmang pahayag ng Pinoy Weekly at ng Kadamay.

Sa isang pahayag ngayong Lunes, sinabi ni Central Luzon regional police director Brig. Gen. Rhodel Sermonia na kusa umanong sinuko ni Kadamay–Pandi president Lea Maralit at ng mga Kadamay member na sina Marilou Iligan, Jeselyn Jasadon, Beth Guerrero, Carmie Dela Cruz, Niel Villamor at Gina Peyil ang libu-libong kopya ng diyaryo sa pulis Pandi, Bulacan.

“PBGEN SERMONIA also said that MARALIT revealed to authorities about her fear that the subversive documents might be used during the SONA of President Rodrigo R Duterte,” ayon sa pahayag.

Pero salaysay ng Kadamay sa naganap, “[w]alang warrant pero inaresto si Rose Fortaleza, lider ng Kadamay. Tapos ni-raid, kinumpiska mga gamit ng opisina sa pandi.”

“[P]inasok ng mga pulis ang pabahay sa Pandi at kinuha ang mga dyaryo ng Pinoy Weekly at polyeto ng Kadamay,” ayon pa sa grupo.

Samantala, salaysay naman ni Pinoy Weekly editor-in-chief Kenneth Roland Guda na batay sa mga saksi, sinabi ni Pandi police chief PCPT Jun Alejandrino na “iligal” ang naturang diyaryo at dapat itong isuko kung hindi “may mangyayari.”

“According to witnesses, during the raid, Alejandrino said that the publication “teaches the people to fight the government” and therefore is ‘illegal’,” sabi pa ni Guda.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pnp-kadamay-sinurender-mga-diyaryo-ng-pinoy-weekly7/)

Walang komento