Recent Posts

Breaking News

PNP iimbestigahan uli si Sinas

Sinabi ni PNP chief Gen. Archie Gamboa na sisiyasatin nila ang bagong insidente na kinasasangkutan ni NCRPO chief MGen. Debold Sinas.

Kabilang si Sinas sa mga armado at unipormadong pulis na dumating sa harapan ng bahay ng retiradong pulis na si Arnel delos Santos sa loob ng Southern Police District compound sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Sinigawan umano ni Sinas ang anak ni Arnel na si Aries, at hinablot pa ni PCol. Remus Medina—intelligence chief ni Sinas—ang cellphone ni Aries nang subukan nitong i-video ang nangyayari.

Nakuhanan ang insidente sa CCTV camera ng pamilya, na in-upload at naging viral sa Facebook.

Depensa ni Sinas, iligal na naninirahan ang pamilya sa lugar at makaulit na itong sinabihang umalis.

Pinapaalis aniya nila ang pamilya sa lugar dahil gagawin itong quarantine facility para sa mga tauhan ng PNP na suspetsang may COVID-19.

Wika ni Gamboa, pagmamay-ari ng gobyerno ang nasabing lote.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/pnp-iimbestigahan-uli-si-sinas4/)

Walang komento