Recent Posts

Breaking News

PNP-IAS iimbestigahan din Jolo `rubout’

Magsasagawa ng sariling imbestigasyon ang Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) sa pagkamatay ng apat na sundalo sa Jolo, Sulu na tinawag na “rubout” ni Philippine Army chief Lt. Gen. Gilbert Gapay.

Ayon kay PNP Inspector General Alfegar Triambulo, mandato nila na kusang magsagawa ng pagsisiyasat sa mga ganitong pangyayari na kinasasangkutan ng mga pulis.

Paliwanag ni Triambulo, posible kasing may kaukulang administratibong kaso pa na kakaharapin ang mga pulis bukod sa anumang kriminal na kaso na maaaring lumabas sa pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation (NBI).

Mayroon na aniyang initial report hingil sa insidente ang PNP-IAS na natanggap mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Una nang nagkasundo ang PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) na ipaubaya sa NBI ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa nasabing insidente.
Tiniyak din ng PNP at AFP ang kooperasyon sa NBI lalo’t may kanya-kanya silang bersyon ng insidente.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/pnp-ias-iimbestigahan-din-jolo-rubout/)

Walang komento