Recent Posts

Breaking News

Plano ng gobyerno sa jobless talakayin sa SONA – Villanueva

Umaasa si Senador Joel Villanueva na tatalakayin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ang plano nilang makalikom ng trabaho para sa milyun-milyong Pinoy na nawala ng trabaho, lalo na ang mga overseas Filipino worker (OFW), sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“Mahalaga po na matalakay ang plano ng ating gobyerno kung paano tutugunan ang problema sa kawalan ng trabaho ngayong pandemya,” pahayag ni Villanueva, chairman ng Senate committee on labor.

“Habang wala pang bakuna laban sa COVID-19, tuloy pa rin po dapat ang buhay at kailangan maging handa ang bawat isa sa atin na mag-adjust sa new normal,” dagdag pa nito.

Ngayong 7.3 milyon na naitalang nawalan ng trabaho, dapat umanong magsilbing guideline ang SONA ng Pangulo sa lahat ng ahenisya ng gobyerno para makabuo at kamapagpatupad ng mga polisya na magusulong para makababangon ang ekonomiya ng bansa.

Sabi pa ni Villanueva, dapat ding tiyakin ng pamahalaan na mabibigyan nila ng ayuda ang mga repatriated OFWs na nanawalan ng trabaho bunsod ng pandemya.

Nauna nang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, na maaring bumagsak ng 40% o US$12 bilyon ngayong taong itao dahil sa malawakang kawalan ng trabaho sa ibang bansa.

Noong 2019, umabot sa $30.13 bilyon ang nai-remit ng pera ng mga OFW.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/plano-ng-gobyerno-sa-jobless-talakayin-sa-sona-villanueva/)

Walang komento