Recent Posts

Breaking News

Pinuri pa raw ng simbahan! Pulis nanguha ng placard walang maling ginawa – Gamboa

Ayon kay PNP chief Archie Gamboa, tumugon lang daw sa tip ng Quiapo Church staff ang dalawang pulis na kinumpiska ang bitbit na placard ng ilang nagsimba kahit pa may nagaganap na misa.

Kaya hindi niya ito ituturing na misbehavior, at katunayan aniya, pinuri pa raw ng simbahan ang ginawa ng pulisya.

“The Philippine National Police just reacted to a report that was given to us. So it should not be based on a context that the Philippine National Police misbehaved because we just behave in accordance with the request of the church,” wika ni Gamboa sa ANC, Miyerkoles.

“I don’t consider that a misbehavior because we didn’t do that not unless requested by church authorities themselves.”

“As a matter of fact, we were commended that doing so, in maintaining peace and order in a religious activity… Napuri kami ng no less than the Archdiocese,” saad niya pa.

Naganap ang pagkumpiska ng gamit noong Lunes, bago ang ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinuri-pa-raw-ng-simbahan-pulis-nanguha-ng-placard-walang-maling-ginawa-gamboa/)

Walang komento