Recent Posts

Breaking News

Pinoy pride? ‘Pinas nanguna sa active, new COVID-19 case sa ASEAN

Maraming nang-asar habang marami ring naalarma dahil sa lagay ng COVID-19 sa Pilipinas, kumpara sa mga kapitbahay nitong bansa sa Southeast Asia.

Sa infographic ng The ASEAN Post na hango sa WHO data noong Hulyo 6, nakasaad ang bilang ng mga nahawa, namatay, at gumaling mula sa COVID-19 ng 10 bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations.

Dito, makikitang nanguna ang Pilipinas sa bilang ng mga bagong kaso (2,079), at mga aktibong kaso (32.845). Sumunod sa mga nasabing kategorya ang Indonesia (1,209 at 31,798) at Singapore (183 at 4,516).

Pumangalawa naman ang Pilipinas sa kabuuang dami ng COVID-19 case sa 46,333. Nanguna rito ang Indonesia (64,958) at pangatlo ang Singapore (44,963).

Samantala, napag-iwanan naman ng Singapore (40,441) at Indonesia (29,919) ang Pilipinas (12,815) sa bilang ng mga gumaling mula sa coronavirus.

Una na itong pinunto ni Vice President Leni Robredo, at sinabing dapat “maalarma” ang gobyernong Duterte dahil “malayo tayo sa ating mga ASEAN neighbors.”

“Kailangang maalarma tayo—pero kapag sinabi kong maalarma, hindi tayo magpaparalisa sa takot, pero maalarma na may gawin na bago, kasi pinapakita ng numero [na pataas ang kaso],” wika pa ni Robredo noong Linggo.

Inulan naman ng komento ang nasabing infographic.

May iba pang nagpatama kay Presidential Spokesperson Harry Roque na sinabing “congratulations, Philippines” at “panalo na tayo,” matapos mabigo ang prediksiyon ng mga UP expert na papalo sa 40,000 ang COVID-19 case sa bansa sa Hunyo 30.

“stay winning, pilipinas!!!!!!,” ayon sa isang netizen.

“PHLIPINES NUMBA WANNNNNNN HABULIN NATIN YUNG TOTAL NUMBER OF CASES KAYA NATIN TOOO MAGIGING NUMBER WAN TAYO SA LAHAT. WE WON PHILIPPINES LETS DO IT AGAIN IN JULY,” sabi pa ng isa.

“What the f*ck look at our recoveries! We’re gonna die like this,” wika ng isa.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/pinoy-pride-pinas-nanguna-sa-active-new-covid-19-case-sa-asean/)

Walang komento