Recent Posts

Breaking News

Pilipinas ginisa sa United Nations Rights assembly

Binahagi ni United Nations High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet ang mga resulta ng kanilang imbestigasyon sa Pilipinas sa UN Human Rights Council convention nitong Martes.

Napag-alaman sa kanilang pagsisiyasat na patuloy ang “widespread human rights violations” at “impunity” o hindi pagpapanagot sa mga maysala.

Aniya’y inaabuso sa bansa ang mga drug suspect, political activist, indigenous people, journalist, at iba pa.

Matatandaang hiniling ng council ang ulat tungkol sa ‘Pinas noong nakaraang taon.

Sa convention ngayong taon sa Geneva, Switzerland, maraming bansa ang nanawagan ng accountability para sa mga paglabag sa karapatang-pantao na nakasaad sa report ni Bachelet.

Hindi tinanggap ng China, at iba pang bansa na malapit kay Presidente Rodrigo Duterte, ang nasabing report.

Wika nila, tanging “constructive dialogue” ang makalulutas sa human rights issues sa ‘Pinas.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/pilipinas-ginisa-sa-united-nations-rights-assembly/)

Walang komento