Recent Posts

Breaking News

Physical filing ng unang petisyon vs. anti-terror law kinasa

Nagtungo na sa Korte Suprema ang grupo na naghain ng unang petisyon laban sa anti-terrorism law.

Gamit ang teknolohiya ay na-file ang petisyon nina Atty. Howard Calleja at dating education secretary Armin Luistro noong Hulyo 4, isang araw matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing panukalang batas.

Giniit nilang unconstitutional ang nasa 11 probisyon ng Republic Act No. 11479 o Anti-Terrorism Act, at hiniling na magpataw ng temporary restraining order ang SC para mahinto ang pagpapatupad ng batas simula Hulyo 19.

Ngayong Lunes, Hulyo 6, nagtungo sila sa SC para maibigay ang hard copy ng petisyon sa SC.

“Supreme Court has acknowledged receipt of our petition vs. Anti-Terror Law,” wika sa ANC ni Calleja.

Naniniwala aniya ang abogado na kailangan ng bansa ng anti-terror act, pero dapat ang pagkakasulat nito ay alinsunod sa Konstitusyon at sa Rule of Law.

“We are fighting for everybody, for your children and children’s children. And their children. This might be with the Philippines for a long time,” sambit pa ni Calleja.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/physical-filing-ng-unang-petisyon-vs-anti-terror-law-kinasa/)

Walang komento