Recent Posts

Breaking News

Petisyon sa SC vs. anti-terror law, apat na

Sa araw lang ng Lunes, Hulyo 6, apat na petisyon na ang hinain sa Korte Suprema laban sa kapapasa pa lang na anti-terrorism law.

Una rito ang petisyon ng grupo na pinangunahan nina Atty. Howard Calleja at dating education secretary Armin Luistro. Nagpasa na sila noong Hulyo 4 pero gamit ang teknolohiya.

Sumunod ang petisyon na sinampa ni human rights lawyer at Albay Representative Edcel Lagman.

Ikatlo ang hinain ng mga law professor ng Far Eastern University na pinangunahan ni law dean Melencio Sta. Maria.

At ang pang-apat ay petisyon ng Makabayan bloc sa Kamara, na may 12 kasapi at pinangunahan ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate.

Hiling ng mga petisyon na ipawalang-bisa ang Republic Act No. 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020, na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Hulyo 3.

Gusto rin nilang ideklara ang nasabing batas bilang unconstitutional bago pa ito tuluyang maipatupad sa bansa.

Wika nila, nilalabag nito ang mga karapatang ginarantiya ng Konstitusyon, kabilang ang free speech at due process of law.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/petisyon-sa-sc-vs-anti-terror-law-apat-na/)

Walang komento