Recent Posts

Breaking News

Patay sa COVID sa buong mundo higit 600,000 na

Lampas 14 milyon na ang kumpirmadong kaso ng coronavirus sa daigdig habang mahigit 600,000 na ang pumanaw sa sakit.

Sa latest data mula sa Center for Systems Science and Engineering ng Johns Hopkins University, naitala sa 14,060,402 nitong Sabado ang global confirmed COVID-19 case.

Pumalo naman sa 601,820 ang death toll worldwide.

Pinakamarami pa rin ang positibo sa Amerika sa 3,641,539 katao at 139,176 fatalities.

Sinundan sila ng Brazil sa 2,046,328 case at 77,851 death.

Kabilang sa mga bansang may mahigit 300,000 na COVID patient ang India, Russia, Peru, South Africa, Mexico at Chile.

Ang mga bansa namang may lampas 30,000 ang nasawi dahil sa virus ang Britain, Mexico, Italy at France.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/patay-sa-covid-sa-buong-mundo-higit-600000-na/)

Walang komento